
President Benigno Aquino, Jr. with DepEd Sec. Armin A. Luistro FSC being handed the K to 12 Curriculum by grade school kids

Official DepEd bloggers with the K to 12 Curriculum

Its been more than a year now since we’ve been chosen as the official DepEd bloggers. Thank you Department of Education, DepEd Sec. Br. Armin A. Luistro FSC and Ms. Kitty Figueras truly an honor!
Pambungad na Pananalita Br. Armin A. Luistro FSCKalihim, Kagawaran ng Edukasyon
Sa ating mahal na Pangulo, Benigno S.Aquino III, sa ating mga iginagalang na Mambabatas sa Senado at Kongreso, sa mga piling panauhin at kaakibat sa repormang pang-edukasyon, at lalo’t higit sa aking mga boss sa Kagawaran—ang aming mga guro at mag-aaral: isang mataimtim na pagbati sa araw na ito.
Noong ika-5 ng Oktubre 2010, Pandaigdigang Araw ng mga Guro, hindi pa man nakakaisang-daang araw ang ating Administrasyong Aquino, inilahad na natin ang planong repormang pangedukasyon— ang enhanced K to 12 program. Dito natin inihayag ang ating pangarap na tuluyan na nga nating mabago ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ngayon, matapos ang mahigit isa’t kalahating taon ng masusing pagaaral at konsultasyon, ikinararangal kong ibahagi sa inyo, mahal na Pangulo, at sa ating mga kababayan ang bunga ng panatang ito.
Layunin ng K to 12 program ang curricular reform at innovation. Ang alinmang pagbabago sa curriculum ay dapat nakatuon sa dalawang mahahalagang bahagi: ang nilalaman ng curriculum at ang paghahanda ng mga guro. Continue Reading »